Fort Ilocandia raid ng NBI, dapat imbestigahan – de Lima

By Jan Escosio January 11, 2022 - 06:49 PM

Kinakailangang magkaroon ng masusing imbestigasyon sa ginawang pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Fort Ilocandia Hotel and Resort noong nakaraang buwan.

Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima dahil ang operasyon ay laban sa illegal online gambling at kailangang mapanagot ang mga nasa likod ng operasyon ng ilegal na aktibidad.

“There is an urgent need to address the continued proliferation of illegal gambling activities in the country and expeditiously implement measures to safeguard and put an end in making the country a hub of illegal online activities that breach our existing laws,” banggit ng senadora.

Ipinagtaka rin ni de Lima na sa kabila nang pagkakakumpiska ng 35 desktop computer units, 20 cellular phones, ilang SIM cards, dalawang routers, at siyam na company IDs, walang nahuli ang mga ahente ng gobyerno.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na isang “Yves” ang target ng operasyon ngunit wala ito nang isagawa ang pagsalakay bagamat may ‘Chinese-looking persons’ sa paligid.

Ipinaalala ni de Lima na noong 2016, sinalakay na ng PNP-CIDG ang Fort Ilocandia sa paghahanap kay Jack Lam kaya’t ipinagtataka aniya niya na muling nabuksan ang establisyemento sa katulad na operasyon.

TAGS: FortIlocandia, FortIlocandiaRaid, InquirerNews, leiladelima, NBI, RadyoInquirerNews, FortIlocandia, FortIlocandiaRaid, InquirerNews, leiladelima, NBI, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.