DTI, DOH naglabas ng memo circular na naglilimita sa pagbili ng gamot gaya ng paracetamol

By Angellic Jordan January 11, 2022 - 04:06 PM

Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) ng memorandum circular kaugnay sa pagbili ng mga gamot.

Sa joint memorandum circular no. 22-01, lilimitahan na maaring pwedeng bilhing flu medicines tulad ng paracetamol, carbocisteine, at iba pa.

Layon nitong maiwasan ang kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo ng mga gamot.

Narito ang itinakdang limitasyon sa pagbili ng mga sumusunod na gamot:
(INSERT PHOTO)

Ipinag-utos sa mga retailer na maglagay ng paalala sa kanilang establisyemento para maabisuhan ang mga konsyumer sa dami ng pwedeng bilhing gamot.

Magsasagawa naman ang DOH at DTI ng compliance monitoring at enforcement sa pamamagitan ng post-audit mechanism.

Sinumang lumabag sa memo circular ay mahaharap sa kasong paglabag sa Price Act, Consumer Act of the Philippines, at iba pang may kinalamang batas at patakaran.

TAGS: doh, dti, InquirerNews, limit cap, RadyoInquirerNews, doh, dti, InquirerNews, limit cap, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.