PNP, magkakasa ng imbestigahan sa pagkasawi ng 10-anyos na babae sa Talisay City

By Angellic Jordan January 11, 2022 - 03:09 PM

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police crime investigators sa Central Visayas ang pagkamatay ng 10 taong gulang na babae sa Talisay City, Cebu.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng isang kweba noong January 9, 2022.

Tatlong araw bago matagpuan ang bangkay nito, naghain ang pamilya ng biktima ng missing person report sa Talisay City Police Station.

Base sa ulat, huling nagpaalam ang biktima na maliligo sa ilog ngunit hindi na ito nakauwi.

Linggo ng umaga nang makatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang concerned citizen na naging susi para makita ang bangkay ng biktima.

Tinakpan ng mga bato ang bangkay ng biktima sa loob ng kweba malapit sa ilog.

Agad nakilala ng pamilya ang biktima nang makita ang bangkay nito.

Pinaniniwalaan ng pamilya na dinukot at ginahasa ang biktima ng grupo ng ilang indibidbuwal na naliligo sa ilog sa kasagsagan ng mga huling sandali nito.

“A complete forensic investigation is underway to assist Talisay City Police in the investigation, including post mortem investigation to determine if indeed the victim was sexually abused,” pagtitiyak ni PNP Chief General Dionardo Carlos.

Kumukuha na rin ang mga imbestigador ng panayam sa mga saksi para matukoy ang posibleng persons of interest sa kaso.

TAGS: DionardoCarlos, InquirerNews, PNP, RadyoInquirerNews, Talisay, DionardoCarlos, InquirerNews, PNP, RadyoInquirerNews, Talisay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.