Konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Project, tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project.
Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, nasa 61.60 porsyento na ang overall progress rate ng naturang proyekto hanggang November 2021.
Oras na makumpleto, inaasahang magiging 25 minuto na lamang ang biyahe sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite to just 25 minutes, mula sa isang oras at 10 minuto.
Mula sa dating 500,000, magiging 800,000 pasahero na ang kapasidad ng LRT-1 kada araw.
Matatandaang 20 taong naantala ang konstruksyon nito.
Matapos ang pagkuha ng right-of-way, libre at malinaw na sertipikasyon, at pagsasaayos ng ilang problema, nasimulan ng DOTr ang aktuwal na konstruksyon, kasama ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corporation (LRMC) noong September 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.