Disiplina, pakikiisa kailangan pa pigilan ang pagkalat ng COVID-19 – Sen. Bong Go

Ipinagdiinan ni Senator Christopher Go na kailangan na kailangan ng disiplina at pakikiisa ng lahat para mapigilan na ang pagdami pa ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

“In order to win the war against an unseen enemy, we need discipline and cooperation. Vaccination and continued vigilance are crucial if we want to return to normalcy. Our efforts the past years have already brought us closer to our goal if not for the emergence of new threats, such as the Omicron variant,” sabi nito.

Una na rin aniya kailangan ay magpabakuna na ang maari naman maturukan ng COVID 19 vaccine dahil aniya napatunayan naman ang epekto ng bakuna.

Banggit pa niya, base sa datos ang mga bakunado na nahawa ng COVID-19 ay nakakaranas lamang ng mild symptoms.

“Mas delikado talaga kapag hindi bakunado. Kung mahal ninyo ang inyong pamilya, magpabakuna na po kayo. Libre naman ito galing sa gobyerno. Proteksyon ninyo ito laban sa virus at susi upang malampasan ang pandemya,” ang apila ni Go sa mga hindi pa bakunado.

Read more...