Maigsing quarantine period sa HCWs pinababawi ni Sen. Joel Villanueva

By Jan Escosio January 11, 2022 - 11:27 AM

Hiniling ni Senator Joel Villanueva sa Department of Health (DOH) na irekunsidera ang plano na iklian ang quarantine period ng mga fully vaccinated healthcare workers na tinamaan ng COVID 19.

Nangangamba si Villanueva na kapag ipinatupad ito ay malagay sa panganib ang kaligtasan ng mga pasyente kapag napaikli ang kanilang isolation period.

Bukod dito, maging ang pamilya ng mga healthcare workers ay malalagay sa alanganin.

Dagdag pa niya, maging ang mga nagkasakit na healthcare workers ay malalagay din sa delikadong kalagayan.

“Nakita na po natin na halos dalawang taon na ang pandemya na wala pong shortcut sa pagpapagaling sa mga pasyenteng may COVID 19,” diin ni Villanueva.

TAGS: healthcare workers, Joel Villanueva, laban-bawi, news, Radyo Inquirer, shortened quarantine period, healthcare workers, Joel Villanueva, laban-bawi, news, Radyo Inquirer, shortened quarantine period

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.