90 percent ng mga positibo sa COVID-19 sa QC, asymptomatic

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Nasa 90 percent ng 27,000 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ang asymptomatic.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tumaas sa 3,419 ang aktibong kaso sa lungsod mula January 3 hanggang 10.

Pero bagamat tumaas, asymptomatic naman aniya ang mga ito.

Sa naturang bilang, wala aniya ang nasa kritikal na kalagayan o nasawi.

Sinabi pa ni Belmonte na 69 percent sa mga quarantine facilities ang ginagamit ngayon.

Mayroon aniyang 1,733 na quarantine facilities ang lungsod bukod pa sa mga barangay na nasa 900

 

Read more...