Isko: Mga severe at critical COVID-19 patients na lang ang tatanggapin sa 6 na city hospitals sa Manila

By Chona Yu January 11, 2022 - 10:05 AM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Binago ni Manila Mayor Isko Moreno ang hospital bed utilization sa mga ospital na nakalaan sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Moreno, tanging ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nasa  severe at kritikal lamang ang i-aadmit sa anim na city hospitals.

Maari rin aniyang i-admit sa anim na ity hospitals ang may mga mild symptoms pero mayroong underlying conditions.

Ang anim na ospital ay ang Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital (150-200 bed capacity), Ospital ng Tondo (50 beds), Justice Abad Santos Medical Center (150 beds), Ospital ng Sampaloc (50 beds), Sta. Ana Hospital (200 beds), New Ospital ng Maynila (384-bed capacity na may 12 intensive care units  at 30 private rooms).

Ang Manila Covid-19 Field Hospital na may 344-bed capacity naman ang ika-pitong ospital sa lungsod.

Binago ni Moreno ang polisiya base na rin sa desisyon ng mga hospital directors, Manila Health Department at Manila Disaster Risk Reduction and Management Council.

“Para naman sa ganun, magamit natin yung ospital for its original purpose – bigyan ng tamang atensyon yung ibang sakit na dumadapo sa ating mga kababayan, tulad ng cancer, sakit sa puso, mga diabetic o nagangailangan ng dialysis, naganganak o yung mga sanggol,” pahayag ni Moreno.

Ayon kay Moreno, ang mga  asymptomatic o ang mayroong very mild symptoms ay maaring mag-isolate na lamang sa kani-kanilang tahanan.

Kung wala naman aniyang espasyo sa kanilang bahay, maaring dalhin ang mga ito sa ibat-ibang quarantine facilities gaya halimbawa ng bagong quarantine facility sa Araullo High School sa Taft Avenue corner United Nations Avenue.

“Kasi po pag bubuhos ng bubuhos ang pagtanggap ng Covid-19 patients na mild but healthy pesons, ay mauubusan po tayo ng espasyo at resources para sa ibang mga sakit. Ito po ay magdudulot ng pagkasawi ng ating mga kababayan na hindi naman Covid-19. They need also ample care o proper care,” pahayag ni Moreno.

 

TAGS: 6 Manila City hospitals, critical, Manila Mayor Isko Moreno, news, Radyo Inquirer, severe COVID-19 patients, 6 Manila City hospitals, critical, Manila Mayor Isko Moreno, news, Radyo Inquirer, severe COVID-19 patients

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.