DILG Secretary Eduardo Año, positibong muli sa COVID-19

PCOO photo

Sa ikatlong pagkakataon, nag-positibo sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, naka-isolate na siya ngayon.

Ayon kay Año, nakuha niya ang resulta ng RT-PCR test kagabi, Enero 10 kung saan kumpirmadong nag-positibo siyang mulisa virus.

Sinabi pa ni Año na positibo rin sa COVID-19 ang kanyang mga kasamahan na naka-close contact.

Nagpapasalamat naman si Año dahil asymptomatic siya ngayon.

Bagamat tinamaan ng virus, tiniyak ni Año na tuloy pa rin ang kanyang trabaho.

Una nang nagpositibo sa COVID-19 si Año noong Marso 2020 at Agosto 2020.

 

Read more...