Lalake, 2 ulit na nanalo sa New York lottery

 

Isang 48-anyos na karpintero sa New York, USA ang nanalo sa lottery ng isang milyong dolyar.

Ang kakaiba sa kanyang pagkapanalo ay ito na ang ikalawang pagkakataon na makuha niya uli ang isang milyon sa lotto.

Hindi makapaniwala si Bruce Magistro na nanalo siya ulit sa Lotto sa ikalawang pagkakataon.

Taong 2012 nang unang manalo ng one million dollars si Magistro sa New York Lottery.

Plano ni Magistro na mag-bahagi ng kanyang napanalunan sa kanyang pamilya at ienjoy ang kanyang buhay.

Read more...