Alert Level 4? Hindi pa kailangan! – Metro Manila Council

By Jan Escosio January 10, 2022 - 07:14 PM

Hindi pa napapanahon na pairalin ang Alert Level 4 sa Metro Manila.

 

Ito ang nagkaisang posisyon ng 17 Metro Manila Mayors na ibinahagi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

 

Katuwiran aniya ng mga alkalde, pasok pa sa metrics sa Alert Level 3 ang healthcare utilization rate sa Kalakhang Maynila.

 

Ibinahagi ni Abalos na noong Enero 8 at sa kasunod na araw, isang porsiyento lang ang itinaas ng utilization rate ng ICU beds, mula 51% ay naging 52% lamang kinabukasan.

 

Bumaba naman aniya sa 50% mula sa 51% sa isolation bed, sa ward beds ay tumaas sa 65% mula 62% at ang paggamit ng ventilators ay bumaba sa 26% mula sa 27%.

 

“We are consistently monitoring the region’s HCUR rate and we assure that the NCR mayors are ready in case the metrics show the need to escalate Metro Manila to alert level 4,” sabi pa ng opisyal.

 

Dagdag pa niya, sa mga nakalipas na araw, malaki ang ibinawas ng mga tao sa mga lansangan, shopping malls at iba pang pampublikong lugar.

 

Binanggit din niya ang kahalagahan ng bakuna sa pagsasabing maraming sa mga naospital at namatay sa COVID 19 ay hindi bakunado.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.