Independent probe sa Pikit massacre inihirit ni Sen. Leila de Lima

Hinimok ni Senator Leila de Lima ang pagbuo ng fact-finding committee para sa masusing pag-iimbestiga sa naging joint police – military operation sa Pikit, North Cotabato.

 

Nais ni de Lima na malaman kung may naging paglabag o wala sa ceasfire protocols na  napagkasunduan ng AFP at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

 

Diin nito, kailangan na malaman ng publiko ang  buong katotohanan sa pagkamatay ng anim katao.

 

Puna pa ng namumuno sa Senate Committee on Social Justice, magkakaiba ang beryson ng awtoridad at mga residente sa pangyayari.

 

“Imagine, in the wee hours, while the targets and eventual casualties of a bloody show of force were in peaceful slumber, government forces attacked like thieves in the night. The circumstances surrounding the raid should, at the very least, raise suspicion. No color of authority – even warrants supposedly legally issue – should be conveniently used as a license to perpetrate what is being characterized by residents/witnesses as a massacre,” sabi ng senadora.

 

Nag-ugat ang pagpatay sa amim sa pagsalakay ng mga pulis at sundalo sa Barangay Gokotan bunsod ng diumanoy 400 nakaw na motorsiklo.

 

Sinabi na rin ng Moro Consensus Group, isang NGO na nagmo-monitor sa mga karapatang-pantao sa mga Muslim, na ‘rubout’ ang nangyari.

Una nang inihayag ng Police Regional Office 12 na mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang kanilang mga nakasagupa at nakarekober pa ng ilang pampasabog sa lugar.

 

Read more...