Sundot sa 2022 bigtime oil price hike mangyayari bukas

By Jan Escosio January 10, 2022 - 12:29 PM

(UPDATED) Makalipas ang isang linggo, masusundan bukas, araw ng Martes, ang ikinasang bigtme price hike ng mga produktong petrolyo ngayon bagong taon.

Nag-anunsiyo na ang Flying V, Petron, Shell at Seaoil Phils., nang pagtaas ng P0.75 kada litro ng kanilang gasolina, P1.10 kada litro ng krudo o diesel at P0.90 sa kada litro ng kerosene.

Katulad na halaga ng dagdag presyo ang ipapatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz, bagamat hindi sila nagbebenta ng kerosene.

Ang Caltex ay magdadagdag ng P0.75 sa presyo ng kada litro sa kanilang gasolina, P1.10 sa diesel at P0.90 sa kerosene. Ito ay kanilang ipapatupad alas-12:01 ng hatinggabi mamaya.

Epektibo ala-6:01 ng umaga ang pagtaas sa presyo, maliban sa Cleanfuel na magkakasa ng price hike alas-4:01 ng hapon.

Wala pang anunsiyo ang ibang kompaniya ng langis bagamat inaasahan na susunod sila sa muling pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Wala naman mangyayaring oil price hike sa mga lugar na nasa state of calamity dahil sa naging pananalasa ng bagyong Odette.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.