Lagpas 5.50 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,502,256 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 859,046.
Sumunod na rito ang Brazil na may 619,981 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 483,463 naman ang death toll sa India habang 315,400 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 300,303
– Peru – 202,981
– United Kingdom – 150,057
– Indonesia – 144,127
– Italy – 138,881
– Iran – 131,847
– Colombia – 130,288
– France – 125,348
– Argentina – 117,465
– Germany – 114,652
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 305,992,785 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 258,949,730 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.