PGH nasa crisis mode na

By Chona Yu January 08, 2022 - 06:12 PM

Inquirer Photo

Nasa crisis mode na ngayon ang Philippine General Hospital sa Maynila.

Ito ay dahil 40 percent na sa kanilang COVID-19 health workers ang nag-positibo na sa virus at naka-quarantine.

Ayon kay Doctor Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, nasa 2,000 ang health workers ang nagtatrabaho sa ospital. Sa naturang bilang, 310 ang nag-positibo sa virus.

Sinabi pa ni del Rosario na nauubos na ang mga doktor, nurses at support staff dahil sa naka-quarantine ang mga ito.

Napipilay na aniya ang operasyon ng PGH.

 

 

TAGS: crisis mode, Doctor Jonas del Rosario, news, philippine general hospital, Radyo Inquirer, crisis mode, Doctor Jonas del Rosario, news, philippine general hospital, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.