P11.5 bilyong halaga ng agrikultura nasira sa Bagyong Odette
Umabot na sa P11.5 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira sa nagdaang Bagyong Odette.
Ayon sa Department of Agriculture, nasa 405,921 na magsasasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen at Caraga.
Aabot sa 257,672 metric tons ng produktong agrikultura ang nasira.
Nangangahulugan ito ng 435,447 ektaryang lupa.
Kabilang sa mga nasira ang mga pananim sa palay, mais, high value crops, niyog, sugarcane, abaca, livestock at fisheries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.