BBM, may exposure sa dalawang COVID-19 patients

Photo credit: Former Sen. Bongbong Marcos/Facebook

Iprinisinta sa Commission on Election (Comelec) ang medical certificate ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay sa hindi niya pagsipot sa pagdinig kaugnay sa petisyon na i-diskuwalipika siya sa 2022 presidential race.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, nakakaranas ng panghihina ng katawan, lagnat at kondisyon sa kanyang lalamunan si Marcos.

Dagdag pa ni Jimenez, diumano nagkaroon ng direct contact ang presidential aspirant sa dalawang indibiduwal na taglay ang 2019 coronavirus, ang kanyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez at sa kanyang chief of security.

Una nang ikinagalit ni Comelec 1st Division Chair Rowena Guanzon ang hindi pagsipot ni Marcos sa virtual hearing ng mga petisyon gayung wala itong naisumiteng medical certificate.

Nagbanta pa ang opisyal na maglalabas ang dibisyon ng resolusyon sa mga petisyon kahit walang ebidensiya mula sa kampo ni Marcos.

Kinalaunan ay dumating naman ang medical certificate ni Marcos at ayon sa kanyang kampo, dadalo na ito sa susunod na pagdinig.

Read more...