Makalipas ang higit 40 oras na paghihintay, lumabas na positibo si presidential aspirant Panfilo Lacson sa COVID-19.
Ayon kay Lacson, lumabas ang resulta matapos namang mawala ang mga naramdaman niyang sintomas.
Unang ibinahagi nito sa social media na sumailalim siya sa swab test matapos magpositibo ang isang anak at dahil na rin sa mga nararanasang sintomas.
Samantala, inanunsiyo din ni Sen. Sherwin Gatchalian na positibo ang resulta ng kanyang swab test kayat agad na siyang nag-isolate mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
“So far I’m only experiencing mild symptoms from the virus and this goes to show that the vaccines are effective and working against it. I enjoin everyone to get your booster shots right away,” ang mensahe ni Gatchalian sa mga mamamahayag.
Nangako ito sa pinakamadaling panahon ay magbabalik trabaho na siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.