Pananahimik ng Palasyo sa ‘no el’ petition sa Comelec, pinuna

By Jan Escosio January 07, 2022 - 07:47 PM

Labis na ipinagtataka ni Senator Leila de Lima ang pananahimik ng Malakanyang sa petisyon ng PDP-Laban sa Commision on Elections (Comelec) na buksan muli ang paghahain ng certificate of candidacy (COC).

Ang petisyon ay inihain ng paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuna din ng senadora ang hindi agad pagbasura ng Comelec sa petisyon sa kabila ng pagiging iregular.

Sinabi pa ni de Lima na sa ginamit na mga dahilan at katuwiran sa petisyon, hindi nangyaring naging hadlang ang mga ito para ipagpaliban ang nakatakdang eleksyon.

“There is no precedent for a petition of this kind, simply because the finalization of the list of candidates has always been imbued with urgency for the Comelec to still entertain any petition of such kind that would effectively delay an already tight election schedule. COMELEC’s preparation for the elections always operated on the basis of clockwork implementation, leaving no room for delays, much less a deliberate scheme to set the schedule back to October, four months before election day,” diin nito.

Kayat aniya, walang dahilan para maituring na espesyal ang petisyon ni Energy Sec. Alfonso Cusi, pangulo ng PDP-Laban, na sa palagay ni de Lima ang tunay na layon ay maiurong sa Oktubre ang eleksyon.

Binanggit din ni de Lima na sa darating na Pebrero 2 ay magreretiro ang chairman at dalawang komisyoner ng Comelec.

TAGS: #VotePH, 2022elections, AlfonsoCusi, comelec, InquirerNews, leiladelima, NoEL, PDPLaban, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, AlfonsoCusi, comelec, InquirerNews, leiladelima, NoEL, PDPLaban, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.