AFP chief Centino positibo sa COVID-19

Nag-positibo sa COVID-19 si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino.

Ayon kay AFP spokesman Colonel Ramon Zagala, nakararanas ngayon si Centino ng mild symptoms.

Nasa isolation facility na aniya sa Camp Aguinaldo, Quezon City si Centino.

Tiniyak naman ni Zagala na tuloy ang trabaho ni Centino kahit naka-quarantine.

Nabatid na fully-vaccinated na laban sa COVID-19 ang 54 anyos na si Centino.

 

Read more...