Quarantine marshals panawagan ni Sen. Nancy Binay

By Jan Escosio January 07, 2022 - 10:06 AM

Senate PRIB photo
Nakita ni Senator Nancy Binay ang matinding pangangailangan para sa mahigpit na pagbabantay sa quarantine facilities kayat hiniling niya muli sa gobyerno ang pagtatalaga ng quarantine marshals. Binanggit din ni Binay ang pagkunsidera sa pagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa mga indibiduwal at establismento na lumalabag sa quarantine protocols. “Increasingly, the need to ensure compliance is becoming more urgent. Mukhang hindi na sapat ang internal policing dahil patuloy pa rin ang quarantine violations na nababalita na mula pa sa simula,” sabi pa nito. Una nang nanawagan si Binay sa pagtatalaga ng quarantine marshals noong Enero ng nakaraang taon kasunod nang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa City Garden Grand Hotel sa Makati City. Dagdag pa ni Binay sa halip na sumentro lamang sa pagpapatupad ng mga batas, kailangan ang mahigpit na pagbabantay sa quarantine facilities para mapangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan. “I think sa halip na mag-deploy tayo ng pulis na magbabantay sa mga quarantine facilities, mas mainam na itong mga marshals na lang para mas holistic ang approach. Hindi lang nagbabantay sa mga potensyal na paglabag, kundi pro-active na ini-improve ang system lalo na sa aspeto ng public health,” dagdag pa ng senadora. Aniya maaring pagbantayin ng quarantine facilities ang mga barangay tanod, kasama ang health officer at sila ay pangangasiwaan ng Inter Agency Task Force at Department of Tourism.

TAGS: COVID-19, Nancy Binay, news, quarantine marshals, Radyo Inquirer, COVID-19, Nancy Binay, news, quarantine marshals, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.