Higit 11,700 law graduates kukuha ng online bar exams sa Enero 23, 25

By Jan Escosio January 06, 2022 - 06:23 PM

Nasa 11,790 law graduates ang nakatakdang kumuha ng online bar examinations na ibibigay ng Korte Suprema sa Enero 23 at Enero 25 sa ilang testing centers sa bansa.

 

Ang mataas na bilang ng mga kukuha ng bar ay bunga ng pagpapaliban ng 2020 bar exams dahil sa pandemya kayat isinabay na sila sa mga nagsipagtapos ng abogasya noong nakaraang taon.

 

May mga humirit na ipagpaliban ang eksaminasyon na naitakda ng Enero 16, 23 at 30 at Pebrero 6, ngunit hindi napagbigyan ng SC ang hiling ng mga naapektuhan ng bagyong Odette.

 

Napagdesisyunan na bawasan na lamang ang araw ng online bar examinations at sasakupin na ang apat na sets, 1. Law Pertaining to the State and Its Relationship with Its Citizens (dating Political Law, Labor Law, at Taxation Law), 2. Criminal Law, 3. The Law Pertaining to Private Personal and Commercial Relations (dating Civil Law at Commercial Law), at 4. Procedure and Professional Ethics (dating Remedial Law, Legal Ethics, at Practical Exercises).

 

Ang unang dalawang sets ay kukuhanin sa Enero 23 at ang natitirang dalawang sets ay sa Enero 25.

 

Ang pagbabago ay inirekomenda ni Bar Chairperson at Associate Justice Marvic Leonen bagamat aniya ito ay para lamang sa 2020-2021 bar examinations.

 

Inabisuhan na rin ang ang lahat ng examinees na mag-self quarantine simula sa Linggo, Enero 9.

 

“Each examinee will undergo an antigen test within 48 hours before the first examination. Those who will test positive under the antigen test shall immediately undergo a confirmatory RT-PCR test. Those who will test positive both under the antigen test and an RT-PCR test will not be admitted to their testing sites,” ayon sa inilabas na abiso ng SC.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.