Manila-Hong Kong flights ng PAL, kanselado hanggang January 21

By Angellic Jordan January 06, 2022 - 03:41 PM

Kinansela na ng Philippine Airlines (PAL) ang mga biyahe mula Maynila patungong Hong Kong hanggang January 21, 2022.

Alinsunod ito sa temporary restrictions na ipinatupad ng gobyerno ng Hong Kong sa Pilipinas, maging sa Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at United States of America.

Narito ang mga kanseladong biyahe ng PAL mula Maynila hanggang Hong Kong:
PR 300 – Manila to Hong Kong
(January 6, 7, 9, 12, 13, 14, 16, 19, 20, at 21 – Wed/Thu/Fri/Sun)

Magbabalik naman sa normal ang naturang biyahe ng airline company sa January 22, 2022 sa ganap na 12:01 ng hatinggabi.

Gayunman, tuloy pa rin ang PR 301 Hong Kong to Manila flights ng PAL tuwing Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Linggo.

Tiniyak ng PAL sa mga pasahero na istrikto silang tumatalima sa safety and health protocols upang maging ligtas ang lahat ng biyahe.

Abiso sa mga apektadong pasahero, maaring i-rebook, i-refund, o i-convert ang ticket sa Travel Credit.

TAGS: BUsiness, HongKongban, InquirerNews, PAL, RadyoInquirerNews, BUsiness, HongKongban, InquirerNews, PAL, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.