Sa ulat ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), naitala ang mga bagong kaso mula sa 48 samples noong January 2, 2022.
Sa 29 na bagong Omicron cases, 10 ang returning overseas Filipinos, 19 ang local cases; kung saan 15 ang aktibo, tatlo ang naka-recover at tatlo ang bineberipika pa.
Bunsod nito, umabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng kaso ng Omicron variant sa bansa.
Samantala, 18 indibiduwal naman ang positibo sa Delta variant.
Dahil dito, umabot na sa 8,497 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.