Bilang ng kaso ng Omicron variant sa Pilipinas, umakyat na sa 43
Nakapagtala ang Pilipinas ang karagdagang 29 na kaso ng Omicron (B.1.1.529) variant ng COVID-19.
Sa ulat ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), naitala ang mga bagong kaso mula sa 48 samples noong January 2, 2022.
Sa 29 na bagong Omicron cases, 10 ang returning overseas Filipinos, 19 ang local cases; kung saan 15 ang aktibo, tatlo ang naka-recover at tatlo ang bineberipika pa.
Bunsod nito, umabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng kaso ng Omicron variant sa bansa.
Samantala, 18 indibiduwal naman ang positibo sa Delta variant.
Dahil dito, umabot na sa 8,497 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.