4 na Indonesian nationals pinalaya ng Abu Sayyaf

By Den Macaranas May 11, 2016 - 08:34 PM

abu-sayyaf-2
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang apat na Indonesian Nationals na kanilang binihag sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi noong nakalipas na buwan.

Sinabi ni Jolo Sulu Police Chief Supt. Junpikar Sittin na ibinaba mula sa isang sasakyan ang apat na bihag kanilang alas-tres ng hapon sa tapat ng bahay ni Sulu Gov. Abdusakur Tan.

Kaagad na dinala ang mga pinalayang sina Moch. Ariyanto Misnan, Lorens M.P.S, Dede Irfan Hilmi at Samsir sa Teodulfo Station Hospital sa Jolo para sa medical checkup.

Sinabi ng ilang PNP sources na si Moro National Liberation Front (MNLF) Political Affairs head, Samsula Adju ang namagitan sa negosasyon kapalit ang P50 Million na ransom para sa kalayaan ng mga bihag.

Noong May 1 ay sampung Indonesian Nationals din na pawang mga crew ng isang tugboat ang pinalaya ng mga Abu Sayyaf members makalipas ang ilang araw na pagkakabihag.

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tinatayang nasa labing-lima pang mga Pinoy at mga foreigners ang kasalukuyang bihag ng bandidong grupo.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, indonesians, PNP, Abu Sayyaf, AFP, indonesians, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.