Lebel ng tubig sa Angat dam, nabawasan pa sa magdamag

Bumaba pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 202.13 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Huwebes ng umaga (January 6).

Mababa ito ng 9.87 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.

Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam (98.72 meters); Ambuklao dam (750.33 meters); San Roque dam (267.04 meters); Pantabangan dam (206.09 meters); Magat dam (185.66 meters); at Caliraya dam (287.20 meters).

Nanatili naman sa 79.28 meters ang antas ng tubig sa La Mesa dam.

Samantala, nadagdagan ang lebel ng tubig sa Binga dam (574.69 meters).

Read more...