Malacañang bumuwelta sa bintang na dagdag-bilang para kay Robredo

By Den Macaranas May 11, 2016 - 08:25 PM

mirriam-defensor-santiago1
Inquirer file photo

Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa mga akusasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ang pamahalaan umano ang nasa likod ng mga pag-ibento ng mga numero pabor para manguna sa bilangan sa vice-presidential race si Congresswoman Leni Robredo.

Para kay Communications Sec. Sonny Coloma, walang batayan at kasinungalingan ang mga binanggit ng mambabatas.

Ipinaliwanag ng opisyal na nakatuon ang administrasyon sa pagtiyak na magiging malinis at mabilis ang pagbibilang ng mga boto.

Nauna nang sinabi ni Santiago na isang uri ng “authoritarian government” ang namamayani sa administrasyon dahil sa pagbuo ng dagdag na bilang pabor sa kanilang kandidato na si Robredo.

Ito ang kauna-unahang pahayag ni Santiago makalipas ang eleksyon noong Lunes.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Bongbong Marcos na aalamin nila sa tulong ng mga Information Technology (I.T) experts kung saan nagmumula ang mabilis na paglai ng lamang ni Robredo sa kanya base sa partial and unofficial count ng Parish Pastoral council for Responsible Voting (PPCRV).

Ang mga data na inilalabas ng PPCRV ay galing sa mirror server ng Comelec na inilalabas sa publiko para sa full transparency ng ginagawang pagbilang sa mga boto ayon sa pahayag kanina ng poll body.

TAGS: 2016, amrcos, Coloma, elections, Robredo, 2016, amrcos, Coloma, elections, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.