PCCH-PLP modular tent, gagamitin na bilang COVID-19 Referral Center
Inanunsiyo ng Pasig City government na hindi na magsisilbi bilang vaccination site ang Pasig City Children’s Hospital – Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PCCH-PLP) modular tent.
Ayon sa Pasig City Public Information Office, gagamitin na ang nasabing modular tent bilang COVID-19 Referral Center simula sa Huwebes, January 6.
Patuloy pa rin kasi ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Abiso naman sa lahat ng A3 pedia na naka-schedule sa PCCH-PLP sa araw ng Huwebes, magtungo na lamang sa Pasig City General Hospital.
Humingi ng paumanhin ang Pasig City government dahil sa abalang idinulot nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.