Hong Kong, nagpatupad ng ban mula sa Pilipinas at pito pang bansa

By Angellic Jordan January 05, 2022 - 06:13 PM

Reuters photo

Nagpatupad ng ban ang gobyerno ng Hong Kong sa mga flight na magmumula sa Pilipinas at pito pang bansa.

Bahagi ito ng paghihigpit laban sa banta ng Omicron variant at kinatatakutang pagpalo muli ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Hong Kong leader Carrie Lam, ipagbabawal muna ang pagpasok ng mga flight mula sa Australia, Canada, France, India, Pakistan, Pilipinas, United Kingdom at United States of America simula sa January 8 hanggang 21, 2022.

Bawal na rin muna aniya ang indoor dining, close swimming pools, sports centres, bars at clubs, museums at iba pang venue simula 6:00, Biyernes ng gabi.

Sa araw ng Miyerkules, nakapagtala ng 38 bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Hong Kong.

TAGS: Hongkong, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TravelBan, Hongkong, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TravelBan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.