Higit 10,000 bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa bansa; Aktibong kaso, umabot na sa halos 40,000
Mula sa higit 5,000 kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19, doble ang bagong napaulat na kaso sa nakalipas na magdamag.
10,775 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (January 5), pumalo na sa 2,871,745 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 39,974 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.
1,294 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 33,866 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,983 ang moderate, 1,512 ang severe, habang 319 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 58 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 51,662 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 605 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,780,109 o 96.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.