Mga deboto ng Poong Itim na Nazareno, hinimok na dumalo na lamang sa online mass

By Chona Yu January 05, 2022 - 03:19 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Umaapela si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno sa mga deboto ng Poong Itim na Nazareno na dumalo na lamang sa mga online na misa.

Ito ay para makasiguro na ligtas sa COVID-19 ang bawat isa.

Ayon kay Moreno, wala munang “Traslacion” sa taong 2022 dahil sa pandemya pati na ang physical mass para sa piyesta ng Poong Nazareno sa Enero 9.

Ginawa ni Moreno ang pahayag matapos ang pagpupulong ang Manila city government officials, sa pangunguna ni city administrator Felix Espiritu at Quiapo Church officials sa pangunguna ni Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene.

Pinasasalamatan din ni Moreno si Monsignor Hernando Coronel, ang parish priest ng Quiapo Church, dahil sa pagpabor sa hirit na kanselahin ang Traslacion na highlight sa Piyesta ng Poong Nazareno.

“Mabigat po sa kalooban ko na hindi tayo magmisa ng pisikal. Alam natin nakagawian na natin ‘yan dahil sa ating pananampalataya lalo na ‘yung nananalig sa Poong Nazareno. Ipagpapasensya po ninyo ito ay para rin naman sa inyong kaligtasan at ng inyong mga anak o pamilya. Maraming maraming Salamat sa kaparian ng Quiapo at kay Monsignor Coronel sa pagtugon nila. Sarado ang simbahan, online mass tayo,” pahayag ni Moreno.

Humihingi rin ng pang-unawa si Moreno sa mga “hijos” na makakansela ang Traslacion.

“Ako ay nananawagan din, nararamdaman ko ang damdamin ng mga Hijos. Nalulungkot ako hindi natin magagawa ‘yung dati nating ginagawa. Nararamdaman ko po ang damdamin ninyo at kagustuhan na taon-taon kayo ay sumama, dalhin ang kanya-kanyang replica sa Quaipo,” pahayag Moreno.

“Nakikisuyo ako huwag po ninyo dadahlin. Mahigpit pong ipatutupad ang mga pag-iingat at ako naman ay naniniwala na mga responsableng indibidwal pa rin kayo bagamat sa hirap at pagsubok na dinadaanan natin ngayong panahon na ito ay alam ko umaangkla na lang tayo sa ating pananampalataya sa Diyos,” dagdag ng alkalde.

TAGS: BlackNazarene, COVIDpandemic, COVIDrestrictions, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, Traslacion2022, BlackNazarene, COVIDpandemic, COVIDrestrictions, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, Traslacion2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.