Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mga pulis sa mga quarantine hotels sa bansa.
Ito ay para maiwasan na ang mga kahalintulad na insidente na ginawa ni Gwyneth Chua o mas kilala bilang “Poblacion Girl” na tumakas sa quarantine hotel at nakipag-party na positibo pala sa COVID-19.
Pag-amin ng Pangulo, sadyang mahirap bantayan ang bawat isa na naka-quarantine.
Hindi rin aniya makatarungan na habulin ang mga may-ari ng hotel kung may lalabag sa quarantine protocols sa kanilang mga bisita.
Sinabi pa ng Pangulo na tungkulin ito ng government personnel o ng mga empleyado.
Samantala, sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tumugon sa utos ng Pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES