Russian national na wanted dahil sa large scale fraud, ipina-deport ng BI
Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Russian national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Moscow dahil sa large scale fraud.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Anton Likharev, 39-anyos.
Nakabiyahe ang dayuhan via Ethihad Airways flight patungo sa Dubai, at saka bibiyahe sa Moscow.
Sinundo ng dalawang Russian na pulis si Likharev na Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Napa-deport ang dayuhan matapos ang halos tatlong taong pagkakakulong sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Naaresto ang dayuhan habang sinusubukang palawigin ang pananatili bilang turista sa Tourist Visa Section ng BI main building sa Intramuros, Maynila noong March 2019.
Inaresto ng mga operatiba ng ahensya ang dayuhan matapos madiskubre na kabilang ito sa wanted list ng mga undesirable alien ng BI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.