PCG nakapagbiyahe na ng 1,372.2 tonelada ng relief goods, critical supplies para sa mga nasalanta ng #OdettePH
Wala pa ring humpay ang relief transport mission ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.
Sa datos hanggang Miyerkules, January 5, umabot na sa 1,083.7 tonelada ng relief goods ang PCG vessels at air assets.
Maliban dito, napadala na rin ng PCGA aircraft at private vessels ang 288.5 tonelada ng iba’t ibang suplay.
Dahil dito, pumalo na sa 1,372.2 tonelada ng relief goods at critical supplies ang naibiyahe ng ahensya para sa rehabilitasyon ng iba’t ibang probinsya.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy ang paggamit ng kanilang assets at resources upang makatulong sa pagbangon ng mga apektadong pmailya sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.