3:15PM Inquirer partial and unofficial results

315PMSa 3:15PM partial at unofficial results ng 2016 elections, patuloy pa rin ang pangunguna ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo sa botong 15,858,343 habang pangalawa si Liberal Standard bearer Mar Roxas sa boto naman na 9,659,729.

Pangatlo pa rin Sen. Grace Poe sa 8,909,684 votes na sinundan ng pang-apat na si Vice Pres. Jejomar Binay sa 5,299,679 votes habang panghuli pa rin si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa 1,416,717 votes.

Sa labanan sa pagka-pangalawang pangulo, hindi pa rin natitinag sa unang puwesto si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa botong 13,960,824 habang si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos naman ay pangalawa pa rin sa 13,727,796 votes. 

Dahil dito, mula sa 231,693 na lamang ni Robredo kay Marcos sa 11:32AM tally ay muli itong tumaas at nasa 233,028 na ngayon ang kaniyang kalamangan.

 

Read more...