Ugat ng Bilibid riot, pinakakalkal ni Sen. de Lima

Hinimok ni Senator Leila de Lima ang awtoridad na alamin ang tunay na mitsa ng nangyaring madugong riot sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang Linggo ng gabi.

Naniniwala si de Lima na hindi sa pikunan sa biro ang ugat ng kaguluhan sa hanay ng mga preso sa East Quadrant na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo at pagkakasugat ng 14 iba pa.

Ayon pa sa senadora, sa mga natanggap na impormasyon ng kanyang opisina, talamak pa rin ang iregularidad sa pambansang piitan, kabilang na ang pagpapakalat ng droga.

“I hope investigators of this latest incident at NBP’s Maximum Security Compound go beyond finding out the culprits who started the riot and punishing them. Dapat alamin nang masinop ang mga kababalaghan ngayon dyan,” sabi pa nito.

Matagal nang ipinapanawagan ni de Lima ang reporma sa prison and correctional system sa bansa para na rin mapangalagaan ang mga karapatan at dignidad ng mga tinaguriang persons deprived of liberty o PDL.

Read more...