Amihan, magdadala pa rin ng mahihinang pag-ulan sa bansa
Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa buong bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, magdadala ang naturang weather system ng mahihina hanggang katamtamang pag-ulan sa Caraga, at Davao region.
Magiging makulimlim din ang panahon na may mahihinang pag-ulan sa Eastern Visayas, Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, at Northern portion ng Quezon.
Posible ring makaranas ng ambon ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa.
Ani Clauren, walang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na papasok sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.