Jimmy Fallon, nagpositibo sa COVID-19 bago mag-Pasko

By Angellic Jordan January 04, 2022 - 04:45 PM
Photo credit: @jimmyfallon/Instagram

Inanunsiyo ng TV host na si Jimmy Fallon na tinamaan siya ng COVID-19 bago ang Kapaskuhan.

Sa Instagram, sinabi ng “The Tonight Show” host na maswerte siya dahil bakunado siya laban sa nakahahawang sakit at nakatanggap na rin ng booster shot kung kaya mild symptoms lang ang kaniyang naranasan.

“On the first day of our holiday break I tested positive for Covid. I was vaccinated and boostered which made me lucky enough to only have mild symptoms,” caption nito sa IG post.

Lubos ang pasasalamat ni Fallon sa mga doktor at nurse na nagtatrabaho upang mabigyan ng bakuna ang lahat.

Nagpasalamat din ang TV host sa kaniyang network para sa mahigpit na testing protocols at mabilis na pagkaka-isolate sa kaniya.

TAGS: COVIDpositive, InquirerNews, JimmyFallon, RadyoInquirerNews, COVIDpositive, InquirerNews, JimmyFallon, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.