Hirit ni Sen. Hontiveros sa DOH: Vaccination capacity, dapat itaas
Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na itaas pa ang vaccination capacity bunsod na rin ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Sinabi nito na nararapat lang na pagtuunan ng pansin ang mga lugar na mababa ang vaccination rate.
Nakita ng senadora ang pangangailangan na madagdagan ang vaccination sites at bilang ng vaccination teams para mas marami ang mabakunahan sa pinakamadaling panahon.
“The active COVID cases have nearly doubled in three days. The positivity rate is almost four times the ceiling set by the World Health Organization. Huwag na nating hintayin na sobrang lumala pa ang sitwasyon bago tayo gumawa ng paraan para mapabilis ang ating pagbabakuna,” sabi pa nito.
Dapat din aniyang palakasin pa ang information campaign sa kahalagahan ng booster shots para sa mga tao na tatlong buwan o higit pa nang maturukan ng second dose.
Hirit pa ni Hontiveros na gawing libre ang COVID-19 testing lalo na sa mga tao na may sintomas at higpitan din ng Bureau of Quarantine ang pagbabantay sa quarantine facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.