Linya ng komunikasyon sa Visayas, naibalik na ng Globe

Photo credit: Globe

Naibalik na ng Globe Telecom ang linya ng komunikasyon sa Visayas na una nang sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon sa Globe, maayos na ang network services sa Anda, Dauis, Loon at Panglao sa Bohol, San Fernando sa Cebu, at Baybay, Albuera sa Leyte, pati na sa Limasawa sa Southern Leyte.

Ayon sa Globe, malaking tulong ang local government units para mapabilis ang restoration efforts sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Naibalik na rin ang linya ng komunikasyon sa Tagana-an sa Surigao del Norte.

Read more...