Pagpapabakuna sa mga batang estudyante, suportado ng DepEd
Sinuportahan ng Department of Education (DepEd) ang pagbabakuna ng mga batang estudyante upang magkaroon sila ng proteksyon laban sa COVID-19.
Sinabi ni Sec. Leonor Briones na malaking tulong sa pagbabalik ng face-to-face classes ang pagiging bakunado ng mga mag-aaral.
Aniya, alam at sanay naman nang mabakunahan ang maraming estudyante.
Nabanggit din nito na posibleng magamit bilang vaccination sites ang mga pampublikong paaralan at aniya, nakikipag-ugnayan na sila kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ukol dito.
Samantala, dahil sa pagpapairal ng Alert Level 3 sa Metro Manila, sinabi ni Briones na ang planong pagpapalawig ng limited face-to-face classes ay hindi muna maikakasa hanggang sa Enero 15.
“With the new IATF resolution, the IATF, particularly Secretary Galvez, is concerned because the students included in the pilot implementation are younger children,” sabi pa ni Briones.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.