Pagbabawal sa mga hindi bakunado na lumabas, suportado ng DOTr

By Angellic Jordan January 04, 2022 - 01:27 PM

DOTr Facebook photo

Buo ang suporta ng Department of Transportation (DOTr) sa resolusyong inihain ng Metro Manila Council kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inaprubahan ng mga alkalde mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) na pansamantalang ipagbawal sa mga hindi bakunado laban sa COVID-19 na bumiyahe via land, sea and air public transport.

Maari lamang makabiyahe ang mga hindi bakunado kung kakailanganing bumili ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo, basta’t may katibayan na pinapayagang bumiyahe.

Kasama rin sa mga pinagbabawalan ang mga indibiduwal na may edad 17 pababa, senior citizen, buntis, at taong may kapansanan.

Epektibo ang resolusyon habang ipinatutupad ang Alert Level 3 sa Metro Manila.

Siniguro ng DOTr at attached agencies nito na mahigpit silang makikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maipatupad ang naturang polisiya.

TAGS: dotr, DOTrPH, InquirerNews, MetroManilaCouncil, mmda, RadyoInquirerNews, dotr, DOTrPH, InquirerNews, MetroManilaCouncil, mmda, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.