Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.46 milyon na

Reuters photo

Lagpas 5.46 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,465,943 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 848,866.

Sumunod na rito ang Brazil na may 619,245 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 482,017 naman ang death toll sa India habang 311,353 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 299,581
– Peru – 202,818
– United Kingdom – 148,893
– Indonesia – 144,102
– Italy – 137,786
– Iran – 131,702
– Colombia – 130,061
– France – 124,212
– Argentina – 117,245
– Germany – 113,074

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 292,986,565 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 255,359,344 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...