Listening tour ni Isko Moreno, tigil muna

By Chona Yu January 04, 2022 - 10:32 AM

Ititigil na muna ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagsasagawa ng “Listening Tour” sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ito ay para pagtuunan muna ng pansin ang pagtugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa Omicron variant.

Ayon kay Moreno, mahalagang matutukan muna ng pamahalaang lungsod na magamot ang mga nagkakasakit ng COVID-19.

“Wala, hindi ko talaga iniisip. Ang gusto ko talaga ngayon kapag kayo ay na-impeksyon ay magamot namin kayo. Ang gusto ko ngayon, pag may na impeksyon gumaling kayo agad. Gusto naming meron kayong pasilidad, meron kayong doctor,” pahayag ni Moreno matapos ang inspeckyon sa Araullo Quarantine Facility.

Sinabi pa ni Moreno na mahalagang masiguro na ligtas ang bawat isa sa virus.

“Naka-focus tayo dito sa pandemic ngayon, itong surge. Kasi kailangan maagapan natin ito kaya hinahanda ko ang ating lungsod at ating mamamayan. That (‘Listening Tour’) will come later,” pahayag ni Moreno.

Kailangan aniyang mabilis na kumilos ang gobyerno lalo’t maraming mga doktor, nurse at iba pang medical frontliners ang nagpositibo sa virus.

“Just to be fair to the public, to you, marami kaming medical frontliners na nare-infect as of 9 a.m. today, as per report ng ating mga ospital. Marami tayong mga nurses, doctors na nare-infect,” pahayag ni Moreno.

Sa ngayon, 12 quarantine facilities mayroon ang Manila.

“We are trying to prepare our city in our own little way through our health department and Manila Disaster Risk Reduction Management Council and the Manila Police District of any possible surge that will demand quarantine facility. We have activated our quarantine facilities about two days ago,” pahayag ni Moreno.

 

 

TAGS: COVID-19, Isko Moreno, Listening Tour, news, Omicron, Radyo Inquirer, COVID-19, Isko Moreno, Listening Tour, news, Omicron, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.