Kombinasyon ng trangkaso at COVID-19 hindi na bago, ayon sa isang infectious diseases expert
Nagkaroon na ng kaso na may tinamaan ng Florona, ang kombinasyon ng trangkaso at COVID-19.
Ito ang sinabi ni infectious disease expert, Dr. Edsel Salvana at aniya ang unang naitalang namatay dahil sa COVID-19, isang Chinese national, noong Enero 2020 ay taglay din ang influenza B at Streptococcus pneumonia.
“It’s an unfortunate confluence of events na naexpose ka sa dalawang pathogens,” sabi pa ni Salvana at aniya isa pang maaring dahilan ay ang pagkakaroon ng comorbidities, tulad ng diabetes at hypertension.
Ito ang dahilan kayat hinihikayat niya ang lahat na magpaturok ng influenza, pneumonia at COVID-19 vaccines.
Paliwanag nito napakalahalaga ng mga naturang bakuna para maiwasan na mahawa ng dalawa o higit pang uri ng nakakamatay na viruses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.