182 trainer-volunteers ipinadala ng TESDA sa mga Odette-hit areas

By Jan Escosio January 04, 2022 - 09:14 AM

 

Nagpadala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 182 trainer-volunteers sa mga komunidad na labis na nasalanta ng bagyong Odette.

Sa send-off ceremony, sinabi ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapeña na tutulong ang mga volunteers sa pagbibigay ng technical services sa mga nasalantang lugar sa Palawan, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Surigao City, Siargao at Dinagat Islands.

Una nang bumisita si Lapeña sa Caraga Region at personal na nasaksihan ang sitwasyon ng mga residente.

Nakipag-usap din siya sa mga lokal na opisyal para sa maitutulong ng TESDA sa rehabilitasyon ng mga lugar.

Aniya ang kanilang hakbang ay bahagi ng programang TESDAmayan at ipapatupad nila ang ‘Buddy System’ para masigurado ang mas mabilis at maayos na pagbibigay tulong sa mga apektadong lugar.

Partikular niyang nabanggit ang mga trainers na magsasagawa ng training-cum production sa mga construction-related courses para sa pagsasaayos ng mga napinsalang istraktura, partikular na ang mga kabahayan.

Ito aniya ay napaglaanan ng inisyal na P195 milyong halaga ng scholarship funds.

May pagsasanay din sa solar installations at food production tulad ng pagluluto at food processing.

TAGS: 182 trainer-volunteers, Bagyong Odette, isidro lapena, news, Radyo Inquirer, send off, Tesda, 182 trainer-volunteers, Bagyong Odette, isidro lapena, news, Radyo Inquirer, send off, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.