Bulacan, Cavite at Rizal, isasailalim sa Alert Level 3

Isasailalim na rin sa Alert Level 3 ang Bulacan, Cavite at Rizal.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa tatlong nabanggit na lugar.

Ayon kay Nograles, magiging epektibo ang bagong quarantine classification sa January 5 hanggang 15, 2022.

Matatandaang nasa Alert Level 3 ang Metro Manila simula kahapon, January 3 hanggang 15, 2022.

 

 

Read more...