Taxpayer subsidy ng PhilHealth, tumaas sa P80-B sa taong 2022

By Angellic Jordan December 30, 2021 - 09:50 PM

Makatatanggap ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng pinataas na taxpayer subsidy na aabot sa P80 bilyon sa taong 2022, ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

“The money is for the insurance coverage of millions of so-called indirect contributors, including indigent citizens, the elderly and unemployed persons with disability,” pahayag nito.

Parte aniya ng mandato ng universal health care program ang pagbibigay ng insurance sa mga nabanggit na sektor ng populasyon.

Dagdag ng mambabatas, kasama ang P79,990,995,000 halaga ng PhilHealth subsidy sa susunod na taon sa P5.024-2022 national budget.

Maliban sa annual budgetary support, magkokolekta rin aniya ang PhilHealth ng humigit-kumulang P100 bilyon mula sa milyun-milyong manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

“So the state health insurer will have more than P180 billion next year for health services for its members,” saad ni Defensor.

Hinikayat naman nito ang insurer at mga ospital na ayusin ang mga gusot sa pamamagitan ng dayalogo.

Ani Defensor, dapat madaliin ng PhilHealth ang pagbabayad sa legitimate claims habang nagbabantay laban sa mga kwestyunable at mapanlinlang na submission.

“This has been a recurring problem. The two sides should agree on a common solution that protects the interests of honest health facilities and medical practitioners, on one hand, and taxpayers and Philhealth members, on the other,” saad nito.

TAGS: InquirerNews, MichaelDefensor, philhealth, RadyoInquirerNews, InquirerNews, MichaelDefensor, philhealth, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.