BTS member Suga, gumaling na sa COVID-19

By Angellic Jordan January 03, 2022 - 09:49 PM
Photo credit: The Korea Herald/Asia News Network

Naka-recover na si BTS member Suga sa COVID-19, ayon sa kaniyang ahensya na Big Hit Music.

Sinabi ng ahensya sa pamamagitan ng opisyal na fan community platform Weverse, tapos na ang quarantine si Suga bandang 12:00, Lunes ng tanghali.

Walang lumabas na sintomas ng nakahahawang sakit kay Suga sa buong kasagsagan ng isolation nito.

Matatandaang nagpositibo si Suga sa COVID-19 noong December 24, 2021, isang araw matapos bumalik sa South Korea mula sa Los Angeles sa Amerika, kung saan nagkaroon ng serye ng live concerts ang K-pop supergroup.

Maliban kay Suga, inaasahang matatapos na rin nina RM at Jin ang kaniyang quarantine sa Martes.

TAGS: BTS, COVIDpositive, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Suga, SugaCOVID, BTS, COVIDpositive, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Suga, SugaCOVID

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.